Flowers for myself



Natutuwa ako pag nakakakita ako ng mga bulaklak. Wala akong time para magtanim o mag-ayos ng garden, pero kung meron lang time at $, siguro botanical garden ang gagawin ko.
Last month, nung dinalaw ko’ng tita ko na katatapos lang dumaan sa laser surgery sa throat niya, binigyan ko siya ng pink roses. Sign of good health and vigor kasi ang color pink para sa akin. Kaya habang inaayos ng florist ‘yung bouquet, kumuha ako ng ilang pics ng flowers nila.
Camera phone lang gamit ko kaya hindi maganda ang quality ng pics. Pero pwede na ‘yon sa akin kaysa wala. Meron pa akong ibang kinuhanan ng pics, pero ‘yan lang kasi yung extraordinary sa paningin ko.
Ang pangalan nga pala ng mga bulaklak na ‘yan… Itinanong ko ‘yon sa florist, pero nakalimutan ko na ‘yung names.
Pag bumalik ako sa Greenhills, tignan ko kung mai-interview ko uli ang florist.